Ang bayan ko ay mahilig lumayo sa akin. Bagaman tumatawag sila sa Kataas-taasan, walang sinumang nagtataas sa kanya. Paano kitang pababayaan, O Efraim? Paano kita itatakuwil, O Israel? Paano kita gagawing tulad ng Adma? Paano kita ituturing na tulad ng Zeboim? Ang aking puso ay nabagbag sa loob ko, ang aking habag ay nagningas. Hindi ko igagawad ang aking mabangis na galit, hindi ako babalik upang wasakin ang Efraim; sapagkat ako'y Diyos, at hindi tao; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako darating na may poot.
Basahin HOSEAS 11
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: HOSEAS 11:7-9
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas