Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Hebreo 3:10-15

Mga Hebreo 3:10-15 RTPV05

Kaya't napoot ako sa kanila at sinabi ko, ‘Lagi silang lumalayo sa akin, ang mga utos ko'y ayaw nilang sundin.’ Kaya't sa galit ko, ‘Ako ay sumumpang hindi mararating, ang lupang pangakong aking inilaan.’” Mga kapatid, ingatan ninyong huwag maging masama ang sinuman sa inyo at mawalan ng pananampalataya hanggang sa kanyang talikuran ang Diyos na buháy. Sa halip, magtulungan kayo araw-araw, habang ang panahon ay matatawag pang “ngayon” upang walang sinumang madaya sa inyo at maging alipin ng kasalanan. Sapagkat tayong lahat ay kasama ni Cristo sa gawain, kung mananatiling matatag hanggang sa wakas ang ating pananalig na ating ipinakita noong tayo'y unang sumampalataya. Ito nga ang sinasabi sa kasulatan, “Kapag narinig ninyo ngayon ang tinig ng Diyos, iyang inyong puso'y huwag patigasin, tulad noong kayo'y maghimagsik sa Diyos.”