apatnapung taon. Kaya't nagalit ako sa lahing ito, at aking sinabi, ‘Sila'y laging naliligaw sa kanilang puso, at hindi nila nalaman ang aking mga daan.’ Gaya ng sa aking galit ay aking isinumpa, ‘Hindi sila papasok sa aking kapahingahan.’” Mga kapatid, mag-ingat kayo, na walang sinuman sa inyo ang may pusong masama at walang pananampalataya na naglalayo sa buháy na Diyos. Ngunit magpayuhan kayo sa isa't isa araw-araw, habang ito ay tinatawag na “ngayon,” upang walang sinuman sa inyo ang papagmatigasin ng pagiging madaya ng kasalanan. Sapagkat tayo'y nagiging kabahagi ni Cristo kung ating hinahawakang matatag ang pasimula ng ating pagtitiwala hanggang sa katapusan. Gaya ng sinasabi, “Ngayon, kung marinig ninyo ang kanyang tinig, huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa paghihimagsik.”
Basahin HEBREO 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: HEBREO 3:10-15
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas