Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Genesis 32:24-28

Genesis 32:24-28 RTPV05

naiwang mag-isa si Jacob. Doon, nakipagbuno sa kanya ang isang lalaki hanggang sa pagbubukang-liwayway. Nang maramdaman ng lalaki na hindi niya madadaig si Jacob, hinampas niya ito sa balakang at ang buto nito'y nalinsad. Sinabi ng lalaki, “Bitiwan mo na ako at magbubukang-liwayway na!” “Hindi kita bibitiwan hangga't hindi mo ako binabasbasan,” wika ni Jacob. Tinanong ng lalaki kung sino siya, at sinabi niyang siya'y si Jacob. Sinabi sa kanya ng lalaki, “Mula ngayo'y Israel na ang itatawag sa iyo, at hindi na Jacob, sapagkat nakipagbuno ka sa Diyos at sa mga tao, at ikaw ay nagtagumpay.”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Genesis 32:24-28