Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

GENESIS 32:24-28

GENESIS 32:24-28 ABTAG01

Naiwang nag-iisa si Jacob at nakipagbuno sa kanya ang isang lalaki hanggang sa magbukang-liwayway. Nang makita ng lalaki na hindi siya manalo laban kay Jacob, hinawakan niya ang kasu-kasuan ng hita ni Jacob, at ang kasu-kasuan ni Jacob ay nalinsad samantalang nakikipagbuno sa kanya. Sinabi niya, “Bitawan mo ako, sapagkat nagbubukang-liwayway na.” At sinabi ni Jacob, “Hindi kita bibitawan malibang ako ay mabasbasan mo.” Sinabi ng lalaki kay Jacob, “Ano ang pangalan mo?” At kanyang sinabi, “Jacob.” Sinabi niya, “Ang iyong pangalan ay hindi na tatawaging Jacob, kundi Israel; sapagkat ikaw ay nakipaglaban sa Diyos at sa mga tao, at ikaw ay nagtagumpay.”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa GENESIS 32:24-28