Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Genesis 27:34-40

Genesis 27:34-40 RTPV05

Humagulgol ng iyak si Esau nang marinig ito at nagmamakaawa, “Basbasan din po ninyo ako, ama!” Ngunit sinabi ni Isaac, “Nilinlang ako ng iyong kapatid kaya nakuha niya ang basbas ko para sa iyo.” Nagsalita si Esau, “Dalawang beses na niya akong dinaya, kaya pala Jacob ang kanyang pangalan! Kinuha na niya ang aking karapatan bilang panganay, at ngayo'y inagaw niya pati ang basbas na ukol sa akin! Wala na ba kayong nalalabing basbas para sa akin?” “Wala na akong magagawa, anak,” sagot ni Isaac. “Siya'y panginoon mo na ngayon; ginawa ko nang alipin niya ang kanyang mga kamag-anak. Ibinigay ko na sa kanya ang kasaganaan sa pagkain at inumin, kaya wala nang nalalabi para sa iyo.” Ngunit patuloy na nagmamakaawa sa kanyang ama si Esau, “Talaga bang iisa lang ang inyong basbas, ama? Basbasan na rin ninyo ako.” At patuloy siyang nanangis. Sinabi ni Isaac sa kanya, “Ang magiging tahanan mo'y malayo sa kasaganaan, pati hamog mula sa langit, ika'y pagkakaitan. Tabak mo ang iyong ikabubuhay, kapatid mo'y iyong paglilingkuran; upang kalayaa'y iyong makamit, kailangang ikaw ay maghimagsik.”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Genesis 27:34-40

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya