Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

GENESIS 27:34-40

GENESIS 27:34-40 ABTAG01

Nang marinig ni Esau ang mga salita ng kanyang ama ay sumigaw siya nang malakas at umiyak na may kapaitan at sinabi sa kanyang ama, “Basbasan mo rin ako, aking ama.” Ngunit sinabi niya, “Pumarito ang iyong kapatid sa pamamagitan ng pandaraya, at kinuha ang basbas sa iyo.” At kanyang sinabi, “Hindi ba't tumpak na ang pangalan niya ay Jacob? Dalawang ulit niya akong inagawan. Kinuha niya ang aking pagkapanganay at ngayo'y kinuha ang basbas sa akin.” At kanyang sinabi, “Wala ka bang inilaang basbas para sa akin?” Sumagot si Isaac kay Esau. “Ginawa ko na siya bilang panginoon mo, at ibinigay ko sa kanya ang lahat niyang mga kapatid bilang mga lingkod, at binigyan ko siya ng trigo at alak. Ano ngayon ang magagawa ko para sa iyo, anak ko?” Sinabi ni Esau sa kanyang ama, “Wala ka na bang basbas maliban sa isa, ama ko? Basbasan mo rin ako, ama ko.” At sumigaw si Esau at umiyak. Sumagot si Isaac na kanyang ama, “Tingnan mo, papalayo sa taba ng lupa ang iyong tahanan, at papalayo sa hamog ng langit sa itaas; mabubuhay ka sa pamamagitan ng iyong tabak at maglilingkod ka sa iyong kapatid, at kapag ikaw ay lumaban, babaliin mo ang kanyang pamatok na nasa iyong leeg.”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa GENESIS 27:34-40