Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Gawa 15:36-41

Mga Gawa 15:36-41 RTPV05

Makalipas ang ilang araw, sinabi ni Pablo kay Bernabe, “Balikan natin at dalawin ang mga kapatid sa mga bayan kung saan tayo nangaral ng salita ng Panginoon at tingnan natin kung ano ang kalagayan nila.” Nais ni Bernabe na isama si Juan na tinatawag ding Marcos. Ngunit ayaw ni Pablo, sapagkat hindi ito nagpatuloy na sumama sa kanilang gawain, sa halip, ito'y humiwalay sa kanila sa Pamfilia. Nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo kaya't naghiwalay sila. Isinama ni Bernabe si Marcos at naglayag sila papuntang Cyprus. Isinama naman ni Pablo si Silas at sila'y umalis, matapos ipanalangin ng mga kapatid na ingatan sila ng Panginoon. Naglakbay sila sa Siria at Cilicia at pinatatag ang mga iglesya roon.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya