Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Gawa 15:36-41

Gawa 15:36-41 ASND

Makalipas ang ilang araw, sinabi ni Pablo kay Bernabe, “Bumalik tayo sa lahat ng bayan na pinangaralan natin ng salita ng Panginoon, at dalawin natin ang ating mga kapatid para malaman natin ang kalagayan nila.” Sumang-ayon si Bernabe pero gusto niyang isama si Juan na tinatawag ding Marcos. Pero ayaw pumayag ni Pablo, dahil noong una nakasama nila si Marcos pero iniwan sila nito noong nasa Pamfilia sila. Matindi ang kanilang pagtatalo, kaya naghiwalay sila. Isinama ni Bernabe si Marcos at pumunta sila sa Cyprus. Isinama naman ni Pablo si Silas. Bago sila umalis, ipinanalangin sila ng mga kapatid na tulungan sila ng Panginoon sa kanilang paglalakbay. Pumunta sina Pablo sa Syria at sa Cilicia at pinatatag nila ang mga iglesya roon.