Ginawang dakila ng Diyos si David, anak ni Jesse. Siya ang lalaking pinili ng Diyos ni Jacob upang maging hari. Siya rin ang may-akda ng magagandang awit para sa Israel. Ito ang kanyang mga huling pangungusap: “Nagsasalita sa pamamagitan ko ang Espiritu ni Yahweh, ang salita niya'y nasa aking mga labi. Nagsalita ang Diyos ng Israel, ganito ang sinabi niya sa akin: ‘Ang haring namamahalang may katarungan at namumunong may pagkatakot sa Diyos, ay tulad ng araw sa pagbukang-liwayway, parang araw na sumisikat kung umagang walang ulap, at nagpapakislap sa dahon ng damo pagkalipas ng ulan.’ “Gayon pagpapalain ng Diyos ang aking sambahayan, dahil sa aming tipan na walang katapusan, kasunduang mananatili magpakailanman. Siya ang magbibigay sa akin ng tagumpay, ano pa ang dapat kong hangarin? Ngunit ang mga walang takot sa Diyos ay matutulad sa mga tinik na itinatapon. Walang mangahas dumampot sa kanila; at upang sila'y ipunin, kailangan ang kasangkapang bakal. Kapag naipon naman, sila'y tutupukin.”
Basahin 2 Samuel 23
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 2 Samuel 23:1-7
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas