Dumulog si Haring David kay Yahweh sa Toldang Tipanan at sinabi, “PANGINOONG Yahweh, ako at ang aking sambahayan ay di karapat-dapat sa mga kabutihang ginawa mo na sa amin. Ang kabutihang ito'y patuloy mo pang dinaragdagan. At ngayon ay may pangako ka pa sa aking susunod na salinlahi. PANGINOONG Yahweh, itinuturing mo pa ako ngayon na isa sa mga dakilang tao. Sa ganitong pagpaparangal mo sa akin, ano pa ang masasabi ko? Higit mo akong kilala bilang iyong lingkod! Alang-alang sa akin na iyong lingkod, at ayon sa iyong kalooban, ipinahayag mo ang mga dakilang bagay na ito. Wala kang katulad, O Yahweh. Wala kaming kilalang Diyos na tulad mo. Mayroon bang bansa sa daigdig na maitutulad sa Israel? Tinubos mo siya sa pagkaalipin upang maging bayan mo. Nakilala ng marami ang iyong pangalan dahil sa ginawa mong mga kababalaghan. Pinalayas mo ang mga bansang dinatnan ng bayan mong ito na inilabas mo sa Egipto. Yahweh, tinanggap mo ang bayang Israel upang maging iyo magpakailanman, at kinilala ka namang Diyos nila. “Kaya pagtibayin mo ang iyong sinabi tungkol sa iyong lingkod, at patatagin magpakailanman ang kanyang angkan. Kung magkagayon, kikilalanin ang iyong pangalan at dadakilain ng mga tao. At sasabihin nila, ‘Si Yahweh ang Makapangyarihan sa lahat, ang Diyos ng Israel.’ Patatatagin mo ang paghahari ng angkan ng iyong lingkod na si David.
Basahin 1 Mga Cronica 17
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 1 Mga Cronica 17:16-24
29 Days
Welcome to Thriving Family's 28-day Advent Activity Calendar! Don't miss out on this opportunity to explore the true meaning of Christmas and draw closer together as a family! These parent-child activities have been created to help you keep this Christmas season focused on Christ!
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas