Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

RUTH 1:19-22

RUTH 1:19-22 ABTAG

Sa gayo'y yumaon silang dalawa hanggang sa sila'y dumating sa Beth-lehem. At nangyari, nang sila'y dumating sa Beth-lehem, na ang buong bayan ay napataka sa kanila; at sinabi ng mga babae, Ito ba'y si Noemi? At sinabi niya sa kanila, Huwag na ninyo akong tawaging Noemi, tawagin ninyo akong Mara: sapagka't ginawan ako ng kapaitpaitan ng Makapangyarihan sa lahat. Ako'y umalis na punó, at ako'y iniuwi ng Panginoon na walang dala. Bakit ninyo ako tinatawag na Noemi, yamang ang Panginoon ay nagpatotoo laban sa akin, at dinalamhati ako ng Makapangyarihan sa lahat? Sa gayo'y nagsibalik si Noemi at si Ruth na Moabita, na kaniyang manugang na kasama niya, na nagsibalik mula sa lupain ng Moab: at sila'y nagsidating sa Beth-lehem sa pasimula ng pagaani ng sebada.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa RUTH 1:19-22