Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

RUTH 1:19-22

RUTH 1:19-22 ABTAG01

Sa gayo'y nagpatuloy silang dalawa hanggang sa sila'y makarating sa Bethlehem. Nang sila'y makarating sa Bethlehem, ang buong bayan ay nagkagulo dahil sa kanila; at sinabi ng mga babae, “Ito ba si Naomi?” Sinabi niya sa kanila, “Huwag na ninyo akong tawaging Naomi. Tawagin ninyo akong Mara, sapagkat pinakitunguhan ako nang may kapaitan ng Makapangyarihan sa lahat. Ako'y umalis na punó, ngunit ako'y pinauwi ng PANGINOON na walang dala. Bakit ninyo ako tinatawag na Naomi, gayong ang PANGINOON ay nakitungo ng marahas sa akin, at pinagdalamhati ako ng Makapangyarihan sa lahat?” Sa gayo'y nagbalik si Naomi at Ruth na Moabita, na kanyang manugang na kasama niya, mula sa lupain ng Moab. Sila'y dumating sa Bethlehem sa pasimula ng pag-aani ng sebada.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa RUTH 1:19-22

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya