Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 95:1-7

MGA AWIT 95:1-7 ABTAG

Oh magsiparito kayo, tayo'y magsiawit sa Panginoon: Tayo'y magkaingay na may kagalakan sa malaking bato na ating kaligtasan. Tayo'y magsiharap sa kaniyang harapan na may pagpapasalamat, Tayo'y magkaingay na may kagalakan sa kaniya na may mga pagaawitan. Sapagka't ang Panginoon ay dakilang Dios, At dakilang Hari sa lahat ng mga dios, Na sa kaniyang kamay ang mga malalim na dako ng lupa, Ang mga kataasan ng mga bundok ay kaniya rin. Ang dagat ay kaniya, at kaniyang ginawa: At ang kaniyang mga kamay ay lumikha ng tuyong lupa. Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod; Tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin. Sapagka't siya'y ating Dios, At tayo'y bayan ng kaniyang pastulan, at mga tupa ng kaniyang kamay. Ngayon, kung inyong didinggin ang kaniyang tinig!

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA AWIT 95:1-7