Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 95:1-7

MGA AWIT 95:1-7 ABTAG01

O halikayo, tayo'y umawit sa PANGINOON; tayo'y sumigaw na may kagalakan sa malaking bato ng ating kaligtasan! Lumapit tayo sa kanyang harapan na may pagpapasalamat; tayo'y sumigaw na may kagalakan sa kanya ng mga awit ng pagpupuri! Sapagkat ang PANGINOON ay dakilang Diyos, at dakilang Hari sa lahat ng mga diyos. Nasa kanyang kamay ang mga kalaliman ng lupa, ang mga kataasan ng mga bundok ay kanya rin. Ang dagat ay kanya, sapagkat ito'y kanyang ginawa, ang kanyang mga kamay ang lumikha ng tuyong lupa. O parito kayo, tayo'y sumamba at yumukod; tayo'y lumuhod sa harapan ng PANGINOON, ang ating Manlilikha! Sapagkat siya'y ating Diyos, at tayo'y bayan ng kanyang pastulan, at mga tupa ng kanyang kamay.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA AWIT 95:1-7