Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 89:19-37

MGA AWIT 89:19-37 ABTAG

Nang magkagayo'y nagsalita ka sa pangitain sa iyong mga banal, At iyong sinabi, Aking ipinagkatiwala ang saklolo sa isang makapangyarihan; Aking itinaas ang isang hirang mula sa bayan. Aking nasumpungan si David na aking lingkod; Aking pinahiran siya ng aking banal na langis: Na siyang itatatag ng aking kamay; Palakasin naman siya ng aking bisig. Hindi dadahas sa kaniya ang kaaway; Ni dadalamhatiin man siya ng anak ng kasamaan. At ibubuwal ko ang kaniyang mga kaaway sa harap niya, At sasaktan ko ang nangagtatanim sa kaniya. Nguni't ang pagtatapat ko at ang kagandahang-loob ko ay sasa kaniya; At sa pangalan ko'y matataas ang kaniyang sungay. Akin namang ilalapag ang kaniyang kamay sa dagat, At ang kaniyang kanan ay sa mga ilog. Siya'y dadaing sa akin, Ikaw ay Ama ko, Dios ko, at malaking bato ng aking kaligtasan. Akin namang gagawin siyang panganay ko, Na pinakamataas sa mga hari sa lupa. Ang kagandahang-loob ko'y aking iingatan sa kaniya magpakailan man, At ang tipan ko'y mananayong matibay sa kaniya. Ang kaniya namang binhi ay pananatilihin ko magpakailan man, At ang luklukan niya'y parang mga araw ng langit. Kung pabayaan ng kaniyang mga anak ang kautusan ko, At hindi magsilakad sa aking mga kahatulan; Kung kanilang salangsangin ang mga palatuntunan ko, At hindi ingatan ang mga utos ko; Kung magkagayo'y aking dadalawin ng pamalo ang kanilang mga pagsalangsang, At ng mga hampas ang kanilang kasamaan. Nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi ko lubos na aalisin sa kaniya, Ni akin mang titiisin na ang pagtatapat ko'y magkulang. Ang tipan ko'y hindi ko sisirain, Ni akin mang babaguhin ang bagay na lumabas sa aking mga labi. Minsan ay sumampa ako sa pamamagitan ng aking kabanalan. Hindi ako magbubulaan kay David; Ang kaniyang binhi ay mananatili magpakailan man; At ang kaniyang luklukan ay parang araw sa harap ko. Matatatag magpakailan man na parang buwan, At tapat na saksi sa langit. (Selah)