Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 40:11-17

MGA AWIT 40:11-17 ABTAG

Huwag mong pigilin sa akin ang iyong mga malumanay na kaawaan, Oh Panginoon: Panatilihin mong lagi sa akin ang iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan. Sapagka't kinulong ako ng walang bilang na kasamaan. Ang mga kasamaan ko ay umabot sa akin, na anopa't hindi ako makatingin; Sila'y higit kay sa mga buhok ng aking ulo, At ang aking puso ay nagpalata sa akin. Kalugdan mo nawa, Oh Panginoon, na iligtas ako: Ikaw ay magmadaling tulungan mo ako, Oh Panginoon. Sila'y mangapahiya nawa at mangatulig na magkakasama Na nagsisiusig ng aking kaluluwa upang ipahamak: Sila nawa'y mangapaurong at mangadala sa kasiraang puri Na nangalulugod sa aking kapahamakan. Mangapahamak nawa sila dahil sa kanilang kahihiyan Na nangagsasabi sa akin, Aha, Aha. Mangagalak at mangatuwa nawa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo: Yaong nangagiibig ng iyong kaligtasan ay mangagsabi nawang palagi, Ang Panginoon ay dakilain. Nguni't ako'y dukha at mapagkailangan; Gayon ma'y inalaala ako ng Panginoon: Ikaw ang aking saklolo at aking tagapagligtas; Huwag kang magluwat, Oh Dios ko.