Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 40:11-17

MGA AWIT 40:11-17 ABTAG01

Huwag mong ipagkait sa akin, O PANGINOON, ang iyong kahabagan, lagi nawa akong ingatan ng iyong tapat na pag-ibig at ng iyong katapatan! Sapagkat pinaligiran ako ng kasamaang di mabilang, inabutan ako ng aking mga kasamaan, hanggang sa ako'y hindi makakita; sila'y higit pa kaysa mga buhok ng aking ulo, nanghihina ang aking puso. Kalugdan mo nawa, O PANGINOON, na ako'y iligtas mo! O PANGINOON, ikaw ay magmadaling tulungan ako! Sila nawa'y mapahiya at hamaking sama-sama silang nagsisikap na agawin ang aking buhay; sila nawa'y mapaurong at madala sa kahihiyan, silang nagnanais ng aking kapahamakan. Matakot nawa sila dahil sa kanilang kahihiyan na nagsasabi sa akin, “Aha! Aha!” Ngunit magalak at matuwa nawa sa iyo ang lahat ng sa iyo'y nagsisihanap; yaong umiibig sa iyong pagliligtas ay patuloy nawang magsabi, “Dakilain ang PANGINOON!” Dahil sa ako'y nahihirapan at nangangailangan, alalahanin nawa ako ng Panginoon. Ikaw ang aking saklolo at aking tagapagligtas; huwag kang magtagal, O aking Diyos.