Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 34:1-10

MGA AWIT 34:1-10 ABTAG

Aking pupurihin ang Panginoon sa buong panahon: Ang pagpuri sa kaniya ay laging sasa aking bibig. Ang aking kaluluwa ay maghahambog sa Panginoon: Maririnig ng maamo at masasayahan. Oh dakilain ninyo na kasama ko ang Panginoon, At tayo'y mangagbunyi na magkakasama ng kaniyang pangalan. Aking hinanap ang Panginoon, at sinagot niya ako, At iniligtas niya ako sa lahat ng aking mga katakutan. Sila'y nagsitingin sa kaniya, at nangaliwanagan: At ang kanilang mukha ay hindi malilito kailan man. Itong abang tao'y dumaing, at dininig siya ng Panginoon. At iniligtas siya sa lahat niyang mga kabagabagan. Ang anghel ng Panginoon ay humahantong sa buong palibot ng nangatatakot sa kaniya, At ipinagsasanggalang sila. Oh inyong tikman at tingnan ninyo na ang Panginoon ay mabuti: Mapalad ang tao na nanganganlong sa kaniya. Oh mangatakot kayo sa Panginoon, kayong mga banal niya: Sapagka't walang kakulangan sa kanila na nangatatakot sa kaniya. Ang mga batang leon ay kinakapos at nagtitiis ng gutom. Nguni't silang nagsisihanap sa Panginoon ay hindi kukulangin ng anomang mabuting bagay.