Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 34:1-10

MGA AWIT 34:1-10 ABTAG01

Pupurihin ko ang PANGINOON sa lahat ng panahon; ang pagpuri sa kanya ay sasaaking bibig nang patuloy. Nagmamapuri sa PANGINOON ang aking kaluluwa, marinig nawa ng mapagpakumbaba at magsaya. O kasama kong dakilain ninyo ang PANGINOON, at magkasama nating itaas ang kanyang pangalan! Hinanap ko ang PANGINOON, at ako'y kanyang sinagot, at iniligtas niya ako sa lahat ng aking mga takot. Sila'y tumingin sa kanya, at naging makinang, at ang kanilang mga mukha ay hindi mapapahiya kailanman. Ang abang taong ito ay dumaing, at ang PANGINOON sa kanya'y nakinig, at iniligtas siya sa lahat niyang mga ligalig. Ang anghel ng PANGINOON ay nagbabantay sa palibot ng mga natatakot sa kanya, at inililigtas sila. O inyong subukan at tingnan na mabuti ang PANGINOON! Maligaya ang tao na sa kanya'y nanganganlong. O matakot kayo sa PANGINOON, kayong kanyang mga banal, sapagkat ang mga natatakot sa kanya ay hindi magkukulang! Ang mga batang leon ay nagkukulang at nagugutom; ngunit silang humahanap sa PANGINOON sa mabuting bagay ay hindi nagsasalat.