Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 31:1-5

MGA AWIT 31:1-5 ABTAG

Sa iyo, Oh Panginoon, nanganganlong ako; Huwag akong mapahiya kailan man; Palayain mo ako sa iyong katuwiran. Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin; iligtas mo akong madali: Maging matibay na kanlungan ka nawa sa akin, Bahay na sanggalangan upang iligtas ako. Sapagka't ikaw ang aking malaking bato, at aking kuta; Alangalang nga sa iyong pangalan ay pangunahan mo ako, at patnubayan mo ako. Hugutin mo ako sa silo na kanilang inilagay na lihim ukol sa akin; sapagka't ikaw ang aking katibayan. Sa iyong kamay ay inihabilin ko ang aking diwa; Iyong tinubos ako, Oh Panginoon, ikaw na Dios ng katotohanan.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA AWIT 31:1-5