Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 31:1-5

MGA AWIT 31:1-5 ABTAG01

Sa iyo, O PANGINOON, ako'y humahanap ng kanlungan; huwag mong hayaang ako'y mapahiya kailanman; iligtas mo ako sa pamamagitan ng iyong katuwiran! Ikiling mo ang iyong pandinig sa akin; iligtas mo ako agad! Maging batong kanlungan ka nawa sa akin, isang matibay na muog upang ako'y iligtas. Oo, ikaw ang aking malaking bato at aking tanggulan; alang-alang sa iyong pangalan ako'y iyong akayin at patnubayan. Alisin mo ako sa bitag na kanilang lihim na inilagay para sa akin; sapagkat ikaw ang aking kalakasan. Sa iyong kamay ay ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu, O PANGINOON, tapat na Diyos, tinubos mo ako.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA AWIT 31:1-5