Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 25:4-10

MGA AWIT 25:4-10 ABTAG

Ituro mo sa akin ang iyong mga daan, Oh Panginoon; Ituro mo sa akin ang iyong mga landas. Patnubayan mo ako sa iyong katotohanan, at ituro mo sa akin; Sapagka't ikaw ay Dios ng aking kaligtasan; Sa iyo'y naghihintay ako buong araw. Iyong alalahanin, Oh Panginoon, ang iyong malumanay na mga kaawaan, at ang iyong mga kagandahang-loob; Sapagka't magpakailan man mula ng una. Huwag mong alalahanin ang mga kasalanan ng aking kabataan, ni ang aking mga pagsalangsang: Ayon sa iyong kagandahangloob ay alalahanin mo ako, Dahil sa iyong kabutihan, Oh Panginoon. Mabuti at matuwid ang Panginoon: Kaya't tuturuan niya ang mga makasalanan sa daan. Ang maamo ay papatnubayan niya sa kahatulan: At ituturo niya sa maamo ang daan niya. Lahat na landas ng Panginoon ay kagandahang-loob at katotohanan Sa mga gayon na nangagiingat ng kaniyang tipan at kaniyang mga patotoo.