Ipaalam mo sa akin ang iyong mga daan, O PANGINOON; ituro mo sa akin ang iyong mga landas. Akayin mo ako sa iyong katotohanan, ako'y iyong turuan, sapagkat ikaw ang Diyos ng aking kaligtasan; sa iyo'y naghihintay ako nang buong araw. Alalahanin mo, O PANGINOON, ang iyong kahabagan, at ang iyong tapat na pag-ibig, sapagkat ang mga iyon ay mula pa nang unang kapanahunan. Huwag mong alalahanin ang mga kasalanan ng aking kabataan, ni ang aking mga pagsuway; ayon sa iyong wagas na pag-ibig ay alalahanin mo ako, O PANGINOON, alang-alang sa iyong kabutihan! Ang PANGINOON ay mabuti at makatarungan, kaya't tinuturuan niya ang mga makasalanan tungkol sa daan. Pinapatnubayan niya ang mapagpakumbaba tungkol sa katuwiran, at itinuturo sa mapagpakumbaba ang kanyang daan. Lahat ng landas ng PANGINOON ay wagas na pag-ibig at katapatan, para sa mga nag-iingat ng kanyang mga patotoo at kanyang tipan.
Basahin MGA AWIT 25
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 25:4-10
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas