Kaniyang pinapananauli ang aking kaluluwa: Pinapatnubayan niya ako sa mga landas ng katuwiran alangalang sa kaniyang pangalan. Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan, Wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin: Ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin. Iyong pinaghahandaan ako ng dulang sa harap ko sa harapan ng aking mga kaaway: Iyong pinahiran ang aking ulo ng langis; Ang aking saro ay inaapawan. Tunay na ang kabutihan at kaawaan ay susunod sa akin sa lahat ng mga kaarawan ng aking buhay: At ako'y tatahan sa bahay ng Panginoon magpakailan man.
Basahin MGA AWIT 23
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: MGA AWIT 23:3-6
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas