Pinanunumbalik niya ang aking kaluluwa. Inaakay niya ako sa mga landas ng katuwiran alang-alang sa kanyang pangalan. Bagaman ako'y lumakad sa libis ng lilim ng kamatayan, wala akong katatakutang kasamaan; sapagkat ikaw ay kasama ko, ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, inaaliw ako ng mga ito. Ipinaghahanda mo ako ng hapag sa harapan ng aking mga kaaway; iyong binuhusan ng langis ang aking ulo, umaapaw ang aking saro. Tiyak na ang kabutihan at kaawaan ay susunod sa akin sa lahat ng mga araw ng aking buhay; at ako'y maninirahan sa bahay ng PANGINOON magpakailanman.
Basahin MGA AWIT 23
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 23:3-6
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas