Aking tutuparin ang mga palatuntunan mo: Oh huwag mo akong pabayaang lubos. Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan? Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita. Hinanap kita ng aking buong puso: Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos. Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: Upang huwag akong magkasala laban sa iyo. Mapalad ka, Oh Panginoon: Ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. Aking ipinahayag ng aking mga labi Ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig. Ako'y nagalak sa daan ng iyong mga patotoo, Na gaya ng lahat na kayamanan.
Basahin MGA AWIT 119
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 119:8-14
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas