Mga Awit 119:8-14
Mga Awit 119:8-14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang lahat ng iyong utos ay sisikapin kong sundin, huwag mo akong iiwanan, huwag mo akong lilisanin. Paano mapapanatiling malinis ang pamumuhay ng sinumang tao, sa kanilang kabataan? Sa pamamagitan ng pagsunod sa banal mong kautusan. Buong puso ang hangad kong sambahin ka't paglingkuran, huwag mo akong hahayaang sa utos mo ay sumuway. Ang banal mong kautusa'y sa puso ko iingatan, upang hindi magkasala laban sa iyo kailanman. Pupurihin kita, Yahweh, ika'y aking pupurihin; ang lahat ng tuntunin mo ay ituro po sa akin. Ang lahat mong mga utos na sa aki'y ibinigay, palagi kong babanggitin, malakas kong isisigaw. Nagagalak na susundin ko ang iyong kautusan, higit pa sa kagalakang dulot nitong kayamanan.
Mga Awit 119:8-14 Ang Salita ng Dios (ASND)
Susundin ko ang inyong mga tuntunin, kaya huwag nʼyo akong pababayaan. Paano mapapanatili ng isang kabataan na maging malinis ang kanyang buhay? Mamuhay siya ayon sa inyong mga salita. Buong puso akong lumalapit sa inyo; kaya tulungan nʼyo akong huwag lumihis sa inyong mga utos. Ang salita nʼyo ay iningatan ko sa aking puso upang hindi ako magkasala sa inyo. Purihin kayo PANGINOON! Ituro nʼyo sa akin ang inyong mga tuntunin. Paulit-ulit kong sinasabi ang mga kautusang ibinigay ninyo. Nagagalak akong sumunod sa inyong mga katuruan, higit pa sa kagalakang dulot ng mga kayamanan.
Mga Awit 119:8-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Aking tutuparin ang mga palatuntunan mo: Oh huwag mo akong pabayaang lubos. Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan? Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita. Hinanap kita ng aking buong puso: Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos. Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: Upang huwag akong magkasala laban sa iyo. Mapalad ka, Oh Panginoon: Ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. Aking ipinahayag ng aking mga labi Ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig. Ako'y nagalak sa daan ng iyong mga patotoo, Na gaya ng lahat na kayamanan.
Mga Awit 119:8-14 Ang Biblia (TLAB)
Aking tutuparin ang mga palatuntunan mo: Oh huwag mo akong pabayaang lubos. Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan? Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita. Hinanap kita ng aking buong puso: Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos. Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo. Mapalad ka, Oh Panginoon: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. Aking ipinahayag ng aking mga labi ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig. Ako'y nagalak sa daan ng iyong mga patotoo, na gaya ng lahat na kayamanan.
Mga Awit 119:8-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)