MGA AWIT 111
111
Ang Panginoon ay pinuri dahil sa Kaniyang kagalingan.
1Purihin ninyo ang Panginoon.
Ako'y magpapasalamat #Awit 89:7; 149:1. sa Panginoon ng aking buong puso,
Sa kapulungan ng matuwid, at sa kapisanan.
2Ang mga gawa ng Panginoon ay dakila,
Siyasat ng lahat na nagtatamo ng kaligayahan diyan.
3Ang kaniyang gawa ay #Awit 145:5. karangalan at kamahalan:
At ang #Awit 112:3, 9. kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.
4Kaniyang ginawa ang kaniyang mga kababalaghang gawa upang alalahanin:
Ang Panginoon ay #Awit 86:15; 103:8. mapagbiyaya at puspos ng kahabagan.
5Siya'y nagbigay ng #Mat. 6:26, 33. pagkain sa nangatatakot sa kaniya:
Kaniyang aalalahaning lagi ang kaniyang tipan.
6Kaniyang ipinakilala sa kaniyang bayan ang kapangyarihan ng kaniyang mga gawa,
Sa pagbibigay niya sa kanila ng mana ng mga bansa.
7Ang mga gawa ng kaniyang mga kamay ay #Apoc. 15:3. katotohanan at kahatulan:
Lahat niyang mga tuntunin ay #Awit 19:1. tunay.
8 #
Is. 40:8; Mat. 5:8. Nangatatatag magpakailankailan man,
Mga yari sa katotohanan at katuwiran.
9Siya'y nagsugo ng #Awit 107:20; Luc. 1:68. katubusan sa kaniyang bayan;
Kaniyang iniutos ang kaniyang tipan magpakailan man:
#
Awit 99:3. Banal at kagalanggalang ang kaniyang pangalan.
10 #
Deut. 4:6. Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan;
May mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisisunod ng kaniyang mga utos.
Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailan man.
Kasalukuyang Napili:
MGA AWIT 111: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982