MGA AWIT 112
112
Ang pananagana niyaong natatakot sa Panginoon.
1Purihin ninyo ang Panginoon.
Mapalad #Awit 128:1. ang tao na natatakot sa Panginoon,
Na naliligayang mainam sa kaniyang mga utos.
2 #
Awit 25:13; 37:26. Ang kaniyang binhi ay magiging makapangyarihan sa lupa;
Ang lahi ng matuwid ay magiging mapalad.
3 #
Mat. 6:33; Mar. 10:30; 1 Tim. 4:8. Kaginhawahan at kayamanan ay nasa kaniyang bahay:
At ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.
4Sa matuwid ay #Awit 97:11. bumabangon ang liwanag sa kadiliman:
#
Awit 111:4. Siya'y mapagbiyaya at puspos ng kahabagan, at matuwid.
5 #
Mat. 5:42. Ang ikabubuti ng taong mapagbiyaya at nagpapahiram,
Kaniyang aalalayan ang kaniyang usap sa kahatulan.
6Sapagka't siya'y hindi makikilos magpakailan man;
Ang matuwid ay maaalaalang walang hanggan.
7Siya'y hindi matatakot #Kaw. 1:33. sa mga masamang balita:
Ang kaniyang #Awit 57:7. puso ay matatag, na tumitiwala sa Panginoon.
8Ang kaniyang puso ay natatag, siya'y hindi matatakot,
Hanggang sa kaniyang #Awit 54:7. makita ang nasa niya sa kaniyang mga kaaway.
9Kaniyang pinanabog, kaniyang ibinigay sa mapagkailangan;
Ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man,
Ang kaniyang #1 Sam. 2:1. sungay ay matataas na may karangalan.
10Makikita ng masama, at mamamanglaw;
Siya'y magngangalit ng kaniyang mga ngipin, at matutunaw:
Ang nasa ng masama ay #Kaw. 10:28. mapaparam.
Kasalukuyang Napili:
MGA AWIT 112: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982