Sa isang alipin, pagka naghahari; At sa isang mangmang, pagka nabubusog ng pagkain; Sa isang babaing nakayayamot, pagka nagaasawa; At sa isang aliping babae, na nagmamana sa kaniyang panginoong babae. May apat na bagay na maliit sa lupa, Nguni't lubhang mga pantas: Ang mga langgam ay bayang hindi matibay, Gayon ma'y nagiimbak ng kanilang pagkain sa taginit; Ang mga koneho ay hayop na mahina, Gayon ma'y nagsisigawa sila ng kanilang mga bahay sa malalaking bato; Ang mga balang ay walang hari, Gayon ma'y lumalabas silang lahat na pulupulutong; Ang butiki ay tumatangan ng kaniyang mga kamay, Gayon ma'y nasa mga bahay ng mga hari siya. May tatlong bagay na maganda sa kanilang lakad, Oo, apat na mainam sa lakad: Ang leon na pinaka matapang sa mga hayop, At hindi humihiwalay ng dahil sa kanino man; Ang asong matulin; ang kambing na lalake rin naman: At ang hari na hindi malalabanan. Kung ikaw ay gumagawa ng kamangmangan sa pagmamataas, O kung ikaw ay umisip ng kasamaan, Ilagay mo ang iyong kamay sa iyong bibig. Sapagka't sa pagbati sa gatas ay naglalabas ng mantekilya, At sa pagsungalngal sa ilong ay lumalabas ang dugo: Gayon ang pamumungkahi sa poot ay naglalabas ng kaalitan.
Basahin MGA KAWIKAAN 30
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: MGA KAWIKAAN 30:22-33
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas