Ang aliping naging hari, ang mangmang na sagana sa pagkain, ang babaeng masungit na nakapag-asawa, at ang babaeng alipin na pumalit sa kanyang amo. May apat na hayop dito sa mundo na maliit ngunit may pambihirang kaisipan: Ang mga langgam, kahit mahina, nag-iipon sila ng pagkain kung tag-araw. Ang mga badyer, kahit mahihina sila, nakagagawa sila ng kanilang tirahan sa mabatong lugar. Ang mga balang, kahit walang namumuno, maayos na lumilipad nang sama-sama. Ang mga butiki, kahit madaling hulihin ng kamay, matatagpuan kahit sa palasyo ng hari. May apat na nilalang na akala mo kung sino kapag lumakad: ang leon (pinakamatapang sa lahat ng hayop at walang kinatatakutan), ang tandang, ang lalaking kambing, at ang haring nangunguna sa kanyang mga kawal. Kung sa kahangalan moʼy nagmamayabang ka at nagbabalak ng masama, tigilan mo na iyan! Hindi ba kapag hinalo nang hinalo ang malapot na gatas ay magiging mantikilya? Hindi ba kapag sinuntok mo ang ilong ng isang tao ay magdurugo ito? Kaya kapag ginalit mo ang tao tiyak na magkakaroon ng gulo.
Basahin Kawikaan 30
Makinig sa Kawikaan 30
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: Kawikaan 30:22-33
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas