Mga Kawikaan 30:22-33
Mga Kawikaan 30:22-33 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang aliping naging hari, ang mangmang na sagana sa pagkain, ang babaeng masungit na nakapag-asawa, at ang babaeng alipin na pumalit sa kanyang amo. May apat na hayop dito sa mundo na maliit ngunit may pambihirang kaisipan: Ang mga langgam, kahit mahina, nag-iipon sila ng pagkain kung tag-araw. Ang mga badyer, kahit mahihina sila, nakagagawa sila ng kanilang tirahan sa mabatong lugar. Ang mga balang, kahit walang namumuno, maayos na lumilipad nang sama-sama. Ang mga butiki, kahit madaling hulihin ng kamay, matatagpuan kahit sa palasyo ng hari. May apat na nilalang na akala mo kung sino kapag lumakad: ang leon (pinakamatapang sa lahat ng hayop at walang kinatatakutan), ang tandang, ang lalaking kambing, at ang haring nangunguna sa kanyang mga kawal. Kung sa kahangalan moʼy nagmamayabang ka at nagbabalak ng masama, tigilan mo na iyan! Hindi ba kapag hinalo nang hinalo ang malapot na gatas ay magiging mantikilya? Hindi ba kapag sinuntok mo ang ilong ng isang tao ay magdurugo ito? Kaya kapag ginalit mo ang tao tiyak na magkakaroon ng gulo.
Mga Kawikaan 30:22-33 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang aliping naging hari, ang isang mangmang na sagana sa pagkain, ang babaing masungit na nagkaasawa, at ang isang aliping babaing pumalit sa kanyang amo. Sa daigdig ay may apat na maliliit na hayop ngunit may pambihirang kaisipan. Ang mga langgam: sila ay mahina subalit nag-iipon ng pagkain kung tag-araw. Ang mga kuneho: mahihina rin sila subalit nakagagawa ng kanilang tirahan sa batuhan. Ang mga balang: bagama't walang haring sumusubaybay ay lumalakad nang maayos at buong inam. Ang mga butiki: maaaring hawakan sa iyong palad dahil sa kaliitan, subalit nasa palasyo ng hari at doon naninirahan. May apat na bagay na kasiya-siyang pagmasdan sa kanilang paglakad: Ang leon, pinakamatapang na hayop at kahit kanino ay di natatakot. Ang tandang na magilas, ang kambing na mabulas, at ang hari sa harap ng bayan. Kung sa kahangalan mo'y naging palalo ka at nagbalak ng masama, mag-isip-isip ka. Batihin mo ang gatas at may mantekilya ka; suntukin mo ang ilong ng iyong kapwa at dudugo nang sagana; guluhin mo ang iba at mapapaaway ka.

Mga Kawikaan 30:22-33 Ang Biblia (TLAB)
Sa isang alipin, pagka naghahari; at sa isang mangmang, pagka nabubusog ng pagkain; Sa isang babaing nakayayamot, pagka nagaasawa; at sa isang aliping babae, na nagmamana sa kaniyang panginoong babae. May apat na bagay na maliit sa lupa, nguni't lubhang mga pantas: Ang mga langgam ay bayang hindi matibay, gayon ma'y nagiimbak ng kanilang pagkain sa taginit; Ang mga koneho ay hayop na mahina, gayon ma'y nagsisigawa sila ng kanilang mga bahay sa malalaking bato; Ang mga balang ay walang hari, gayon ma'y lumalabas silang lahat na pulupulutong; Ang butiki ay tumatangan ng kaniyang mga kamay, gayon ma'y nasa mga bahay ng mga hari siya. May tatlong bagay na maganda sa kanilang lakad, Oo, apat na mainam sa lakad: Ang leon na pinaka matapang sa mga hayop, at hindi humihiwalay ng dahil sa kanino man; Ang asong matulin; ang kambing na lalake rin naman: at ang hari na hindi malalabanan. Kung ikaw ay gumagawa ng kamangmangan sa pagmamataas, o kung ikaw ay umisip ng kasamaan, ilagay mo ang iyong kamay sa iyong bibig. Sapagka't sa pagbati sa gatas ay naglalabas ng mantekilya, at sa pagsungalngal sa ilong ay lumalabas ang dugo: Gayon ang pamumungkahi sa poot ay naglalabas ng kaalitan.
Mga Kawikaan 30:22-33 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang aliping naging hari, ang isang mangmang na sagana sa pagkain, ang babaing masungit na nagkaasawa, at ang isang aliping babaing pumalit sa kanyang amo. Sa daigdig ay may apat na maliliit na hayop ngunit may pambihirang kaisipan. Ang mga langgam: sila ay mahina subalit nag-iipon ng pagkain kung tag-araw. Ang mga kuneho: mahihina rin sila subalit nakagagawa ng kanilang tirahan sa batuhan. Ang mga balang: bagama't walang haring sumusubaybay ay lumalakad nang maayos at buong inam. Ang mga butiki: maaaring hawakan sa iyong palad dahil sa kaliitan, subalit nasa palasyo ng hari at doon naninirahan. May apat na bagay na kasiya-siyang pagmasdan sa kanilang paglakad: Ang leon, pinakamatapang na hayop at kahit kanino ay di natatakot. Ang tandang na magilas, ang kambing na mabulas, at ang hari sa harap ng bayan. Kung sa kahangalan mo'y naging palalo ka at nagbalak ng masama, mag-isip-isip ka. Batihin mo ang gatas at may mantekilya ka; suntukin mo ang ilong ng iyong kapwa at dudugo nang sagana; guluhin mo ang iba at mapapaaway ka.
Mga Kawikaan 30:22-33 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sa isang alipin, pagka naghahari; At sa isang mangmang, pagka nabubusog ng pagkain; Sa isang babaing nakayayamot, pagka nagaasawa; At sa isang aliping babae, na nagmamana sa kaniyang panginoong babae. May apat na bagay na maliit sa lupa, Nguni't lubhang mga pantas: Ang mga langgam ay bayang hindi matibay, Gayon ma'y nagiimbak ng kanilang pagkain sa taginit; Ang mga koneho ay hayop na mahina, Gayon ma'y nagsisigawa sila ng kanilang mga bahay sa malalaking bato; Ang mga balang ay walang hari, Gayon ma'y lumalabas silang lahat na pulupulutong; Ang butiki ay tumatangan ng kaniyang mga kamay, Gayon ma'y nasa mga bahay ng mga hari siya. May tatlong bagay na maganda sa kanilang lakad, Oo, apat na mainam sa lakad: Ang leon na pinaka matapang sa mga hayop, At hindi humihiwalay ng dahil sa kanino man; Ang asong matulin; ang kambing na lalake rin naman: At ang hari na hindi malalabanan. Kung ikaw ay gumagawa ng kamangmangan sa pagmamataas, O kung ikaw ay umisip ng kasamaan, Ilagay mo ang iyong kamay sa iyong bibig. Sapagka't sa pagbati sa gatas ay naglalabas ng mantekilya, At sa pagsungalngal sa ilong ay lumalabas ang dugo: Gayon ang pamumungkahi sa poot ay naglalabas ng kaalitan.