Ang bakal ay nagpapatalas sa bakal; Gayon ang tao ay nagpapatalas sa mukha ng kaniyang kaibigan. Ang nagiingat ng puno ng higos ay kakain ng bunga niyaon; At ang naghihintay sa kaniyang panginoon ay pararangalin. Kung paanong sa tubig ang mukha ay sumasagot sa mukha, Gayon ang puso ng tao sa tao. Ang Sheol at ang Kapahamakan ay hindi nasisiyahan kailan man; At ang mga mata ng tao ay hindi nasisiyahan kailan man. Ang sangagan ay sa pilak, at ang hurno ay sa ginto, At ang tao ay nasusubok sa pamamagitan ng kaniyang pagpuri. Bagaman iyong piitin ang mangmang sa isang piitan na kasama ng pangbayo sa mga bayong trigo, Gayon ma'y hindi hihiwalay ang kaniyang kamangmangan sa kaniya. Magmasipag ka na alamin mo ang kalagayan ng iyong mga kawan, At tingnan mong mabuti ang iyong mga bakahan: Sapagka't ang mga kayamanan ay hindi magpakailan man: At namamalagi ba ang putong sa lahat ng sali't saling lahi? Ang tuyong damo ay pinupulot, at ang sariwang damo ay lumilitaw, At ang mga gugulayin sa mga bundok ay pinipisan. Ang mga kordero ay ukol sa iyong kasuutan, At ang mga kambing ay siyang halaga ng bukid: At magkakaroon ng kasiyahang gatas ng kambing sa iyong pagkain, sa pagkain ng iyong sangbahayan; At pagkain sa iyong mga alilang babae.
Basahin MGA KAWIKAAN 27
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA KAWIKAAN 27:17-27
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas