Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 27:17-27

MGA KAWIKAAN 27:17-27 ABTAG01

Ang bakal ay nagpapatalas sa bakal; at ang tao ang nagpapatalas sa isa pang tao. Ang nag-aalaga ng puno ng igos ay kakain ng bunga niyon; at pararangalan ang nagbabantay sa kanyang panginoon. Kung paanong sa tubig ang mukha ay naaaninaw, gayon naaaninaw ang tao sa kanyang isipan. Ang Sheol at ang Abadon ay hindi nasisiyahan kailanman; at ang mga mata ng tao kailanma'y hindi nasisiyahan. Ang lutuan ay sa pilak, at ang hurno ay sa ginto, at ang tao ay hinahatulan sa pagpupuri nito. Durugin mo man ang hangal kasama ng binayong trigo sa isang bayuhan, gayunma'y hindi hihiwalay sa kanya ang kanyang kahangalan. Alamin mong mabuti ang kalagayan ng iyong mga kawan, at tingnan mong mabuti ang iyong mga hayupan; sapagkat ang mga yaman ay hindi nagtatagal magpakailanman; at ang korona ba'y nananatili sa lahat ng salinlahi? Kapag ang damo ay nawala na, at ang sariwang damo ay lumitaw, at ang mga halaman sa mga bundok ay pinipisan, ang mga kordero ang magbibigay ng iyong damit, at ang mga kambing ay siyang halaga ng bukid; magkakaroon ng sapat na gatas ng kambing bilang iyong pagkain, sa pagkain ng iyong sambahayan, at pagkain sa iyong mga alilang kababaihan.