Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 23:29-35

MGA KAWIKAAN 23:29-35 ABTAG

Sinong may ay? sinong may kapanglawan? sinong may pakikipagtalo? Sinong may daing? sino ang may sugat na walang kadahilanan? Sino ang may maningas na mata? Silang nangaghihintay sa alak; Silang nagsisiyaon upang humanap ng pinaghalong alak. Huwag kang tumingin sa alak pagka mapula, Pagka nagbibigay ng kaniyang kulay sa saro, Sa huli ay kumakagat ito na parang ahas, At tumutukang parang ulupong. Ang iyong mga mata ay titingin ng mga katuwang bagay, At ang iyong puso ay nagbabadya ng mga magdarayang bagay. Oo, ikaw ay magiging parang nahihiga sa gitna ng dagat, O parang nahihiga sa dulo ng isang palo ng sasakyan. Kanilang pinalo ako, iyong sasalitain, at hindi ako nasaktan; Kanilang hinampas ako, at hindi ko naramdaman: Kailan gigising ako? aking hahanapin pa uli.