Mga Kawikaan 23:29-35
Mga Kawikaan 23:29-35 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sino ang may kalungkutan at may malaking panghihinayang? Sino ang may kaaway at kabalisahan? Sino ang nasusugatan nang di nalalaman? At sino ang may matang pinamumulahan? Sino pa kundi ang sugapa sa alak, at ang nagpapakalango sa masarap na inumin. Huwag mong tutunggain ang matapang na alak kahit ito'y katakam-takam, sapagkat kinaumagahan ay daig mo pa ang tinuklaw ng ahas na makamandag. Kung anu-ano ang iyong sasabihin, at hindi ka makapag-isip nang mabuti. Ang makakatulad mo'y nasa gitna ng dagat at hinahampas ng malalaking alon. Pasuray-suray kang maglalakad at sasabihin mo, “Ano sa akin kung ako'y mahandusay? Mabulagta man ako, ayos lang iyan! Pagbangon ko, iinom muli ako.”
Mga Kawikaan 23:29-35 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sino ang may matinding problema? Sino ang mahilig sa away? Sinong mareklamo? Sinong nasugatan na dapat sana ay naiwasan? At sino ang may mga matang namumula? Sino pa kundi ang mga lasenggong sugapa sa ibaʼt ibang klase ng alak! Huwag kang matakam sa alak na napakagandang tingnan sa isang baso at tila masarap. Kapag nalasing ka, sasama ang iyong pakiramdam na parang tinuklaw ka ng makamandag na ahas. Kung anu-ano ang makikita mo at hindi ka makakapag-isip ng mabuti. Pakiramdam moʼy nasa gitna ka ng dagat at nakahiga sa ibabaw ng palo ng barko. Sasabihin mo, “May humampas at sumuntok sa akin, ngunit hindi ko naramdaman. Kailan kaya mawawala ang pagkalasing ko para muli akong makainom?”
Mga Kawikaan 23:29-35 Ang Biblia (TLAB)
Sinong may ay? sinong may kapanglawan? sinong may pakikipagtalo? sinong may daing? sino ang may sugat na walang kadahilanan? sino ang may maningas na mata? Silang nangaghihintay sa alak; silang nagsisiyaon upang humanap ng pinaghalong alak. Huwag kang tumingin sa alak pagka mapula, pagka nagbibigay ng kaniyang kulay sa saro, Sa huli ay kumakagat ito na parang ahas, at tumutukang parang ulupong. Ang iyong mga mata ay titingin ng mga katuwang bagay, at ang iyong puso ay nagbabadya ng mga magdarayang bagay. Oo, ikaw ay magiging parang nahihiga sa gitna ng dagat, o parang nahihiga sa dulo ng isang palo ng sasakyan. Kanilang pinalo ako, iyong sasalitain, at hindi ako nasaktan; kanilang hinampas ako, at hindi ko naramdaman: kailan gigising ako? aking hahanapin pa uli.
Mga Kawikaan 23:29-35 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sino ang may kalungkutan at may malaking panghihinayang? Sino ang may kaaway at kabalisahan? Sino ang nasusugatan nang di nalalaman? At sino ang may matang pinamumulahan? Sino pa kundi ang sugapa sa alak, at ang nagpapakalango sa masarap na inumin. Huwag mong tutunggain ang matapang na alak kahit ito'y katakam-takam, sapagkat kinaumagahan ay daig mo pa ang tinuklaw ng ahas na makamandag. Kung anu-ano ang iyong sasabihin, at hindi ka makapag-isip nang mabuti. Ang makakatulad mo'y nasa gitna ng dagat at hinahampas ng malalaking alon. Pasuray-suray kang maglalakad at sasabihin mo, “Ano sa akin kung ako'y mahandusay? Mabulagta man ako, ayos lang iyan! Pagbangon ko, iinom muli ako.”
Mga Kawikaan 23:29-35 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sinong may ay? sinong may kapanglawan? sinong may pakikipagtalo? Sinong may daing? sino ang may sugat na walang kadahilanan? Sino ang may maningas na mata? Silang nangaghihintay sa alak; Silang nagsisiyaon upang humanap ng pinaghalong alak. Huwag kang tumingin sa alak pagka mapula, Pagka nagbibigay ng kaniyang kulay sa saro, Sa huli ay kumakagat ito na parang ahas, At tumutukang parang ulupong. Ang iyong mga mata ay titingin ng mga katuwang bagay, At ang iyong puso ay nagbabadya ng mga magdarayang bagay. Oo, ikaw ay magiging parang nahihiga sa gitna ng dagat, O parang nahihiga sa dulo ng isang palo ng sasakyan. Kanilang pinalo ako, iyong sasalitain, at hindi ako nasaktan; Kanilang hinampas ako, at hindi ko naramdaman: Kailan gigising ako? aking hahanapin pa uli.