Ang mabuting pangalan ay maiging piliin, kay sa malaking kayamanan, At ang magandang kalooban, kay sa pilak at ginto. Ang mayaman at ang dukha ay nagkakasalubong kapuwa: Ang Panginoon ang May-lalang sa kanilang lahat. Ang mabait na tao ay nakakakita ng kasamaan at nagkukubli: Nguni't dinadaanan ng musmos at nagtitiis. Ang kagantihan sa kapakumbabaan at ang pagkatakot sa Panginoon Ay kayamanan, at karangalan, at buhay. Mga tinik at mga silo ay nangasa daan ng magdaraya: Ang nagiingat ng kaniyang kaluluwa ay lalayo sa mga yaon. Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, At pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.
Basahin MGA KAWIKAAN 22
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA KAWIKAAN 22:1-6
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas