Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 22:1-6

MGA KAWIKAAN 22:1-6 ABTAG01

Ang mabuting pangalan ay dapat piliin, kaysa malaking kayamanan, at mabuti kaysa pilak at ginto ang magandang kalooban. Ang mayaman at ang dukha ay nagkakasalubong kapwa; ang PANGINOON ang sa kanilang lahat ay gumawa. Ang matalinong tao ay nakakakita ng panganib at nagkukubli siya, ngunit nagpapatuloy ang walang muwang at siya'y nagdurusa. Ang gantimpala sa pagpapakumbaba at takot sa PANGINOON ay kayamanan, karangalan, at buhay. Nasa daan ng mandaraya ang mga tinik at silo, ang nag-iingat ng kanyang sarili, sa mga iyon ay lalayo. Sanayin mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at kapag tumanda na siya ay hindi niya ito tatalikuran.