Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 20:4-24

MGA KAWIKAAN 20:4-24 ABTAG

Ang tamad ay hindi magaararo dahil sa tagginaw; Kaya't siya'y magpapalimos sa pagaani, at wala anoman. Payo sa puso ng tao ay parang malalim na tubig; Nguni't iibigin ng taong naguunawa. Maraming tao ay magtatanyag bawa't isa ng kaniyang sariling kagandahang-loob: Nguni't sinong makakasumpong sa taong tapat? Ang ganap na tao na lumalakad sa kaniyang pagtatapat, Mapapalad ang kaniyang mga anak na susunod sa kaniya. Ang hari na nauupo sa luklukan ng kahatulan Pinananabog ng kaniyang mga mata ang lahat na kasamaan. Sinong makapagsasabi, Nilinis ko ang aking puso, Ako'y dalisay sa aking kasalanan? Mga iba't ibang panimbang, at mga iba't ibang takalan, Kapuwa mga karumaldumal sa Panginoon. Ang bata man ay nagpapakilala sa kaniyang mga gawa, Kung ang kaniyang gawa ay magiging malinis, at kung magiging matuwid. Ang nakikinig na tainga, at ang nakakakitang mata, Kapuwa ginawa ng Panginoon. Huwag mong ibigin ang pagtulog, baka ka madukha; Idilat mo ang iyong mga mata, at mabubusog ka ng tinapay. Walang halaga, walang halaga, sabi ng mamimili: Nguni't pagka nakalayo siya, naghahambog nga. May ginto, at saganang mga rubi: Nguni't ang mga labi ng kaalaman ay mahalagang hiyas. Kunin mo ang kaniyang suot na nananagot sa di kilala; At tanggapan mo ng sanla ang nananagot sa mga di kilala. Tinapay ng kasinungalingan ay matamis sa tao: Nguni't pagkatapos ay mabubusog ang kaniyang bibig ng batong lapok. Bawa't panukala ay natatatag sa pamamagitan ng payo: At sa pamamagitan ng pantas na pamamatnubay ay makikipagdigma ka. Ang yumayaong mapaghatid-dumapit ay naghahayag ng mga lihim: Kaya't huwag kang makisalamuha sa kaniya na nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi. Siyang sumusumpa sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, Ang kaniyang ilawan ay papatayin sa salimuot na kadiliman. Ang mana ay matatamong madali sa pasimula; Nguni't ang wakas niyao'y hindi pagpapalain. Huwag mong sabihin, Ako'y gaganti ng kasamaan: Maghintay ka sa Panginoon, at kaniyang ililigtas ka. Mga iba't ibang panimbang ay karumaldumal sa Panginoon; At ang sinungaling na timbangan ay hindi mabuti. Ang mga lakad ng tao ay sa Panginoon; Paano ngang mauunawa ng tao ang kaniyang lakad?