Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Kawikaan 20:4-24

Mga Kawikaan 20:4-24 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Ang taong tamad sa panahon ng taniman ay walang magagapas pagdating ng anihan. Tulad ng tubig na malalim ang isipan ng isang tao, ngunit ito'y matatarok ng isang matalino. Sinasabi ng bawat isa na siya ay tapat, ngunit kahit kanino sa kanila'y hindi ka nakakatiyak. Kung ang isang ama'y namumuhay sa katuwiran, mapalad ang mga anak na siya ang tinutularan. Sa pagluklok ng hari upang igawad ang kahatulan, walang matatagong anumang kasamaan. Sino ang makakapagsabi na ang puso niya'y malinis at di namuhay sa kasamaan kahit isang saglit? Ang mandarayang timbangan at mandarayang sukatan, kay Yahweh ay parehong kasuklam-suklam. Kahit ang bata ay makikilala sa kanyang mga gawa; makikita sa kanyang kilos kung siya ay tapat nga. Ang taingang nakakarinig at matang nakakakita, parehong si Yahweh ang siyang maylikha. Matulog ka nang matulog at ika'y maghihirap, ngunit maganda ang iyong bukas kung ika'y magsisikap. Ang sabi ng mamimili, “Ang presyo mo'y ubod taas.” Ngunit pagtalikod ay ipinamamalitang nakabarat. Ang taong nakakaalam ng kanyang sinasabi, daig pa ang may ginto at alahas na marami. Ang sinumang nananagot sa utang ng iba, dapat kunan ng ari-arian bilang garantiya. Anumang nakuha sa pandaraya ay parang masarap na pagkain, ngunit kapag tumagal ay para kang kumain ng buhangin. Ang mabuting payo ay kailangan para magtagumpay; kung hindi ka handa huwag nang pumalaot sa labanan. Ang lihim ay nahahayag dahil sa mga tsismis, kaya huwag kang makisama sa taong makati ang dila. Sinumang magmura sa kanyang magulang, parang ilaw na walang ningas ang wakas ng kanyang buhay. Ang perang hindi pinaghirapan, kung gastusin ay walang hinayang. Huwag mong gantihan ng masama ang masama; tutulungan ka ni Yahweh, sa kanya ka magtiwala. Si Yahweh ay napopoot sa panukat na di tama, siya ay namumuhi sa timbangang may daya. Si Yahweh lamang ang nagtatakda ng ating landasin; kaya huwag ipagyabang ang iyong lakbayin.

Mga Kawikaan 20:4-24 Ang Salita ng Dios (ASND)

Ang taong tamad mag-araro sa panahon ng pagtatanim ay walang makukuha pagdating ng anihan. Ang isipan ng tao ay tulad ng malalim na balon, ngunit mauunawaan ito ng taong marunong. Marami ang nagsasabi na sila ay tapat, ngunit mayroon kaya sa kanila ang mapagkakatiwalaan? Ang taong matuwid ay walang kapintasan. Mapalad ang mga anak niya kung siya ang kanilang tinutularan. Kapag ang hari ay humahatol, tinitiyak muna niya kung sino ang gumawa ng masama. Walang sinumang makapagsasabi na ang puso niya ay malinis, na kailanman ay hindi siya nakagawa ng mali. Ang madadayang timbangan at sukatan ay kasuklam-suklam sa paningin ng Dios. Ang mga ginagawa ng isang kabataan ay nagpapakita ng kanyang tunay na pag-uugali, kung siya ba ay matuwid o hindi. Ang taingang nakakarinig at matang nakakakita ay ang PANGINOON ang siyang gumawa. Kung tulog ka nang tulog maghihirap ka, ngunit kung magsisikap ka, ang iyong pagkain ay sasagana. Pinipintasan ng mamimili ang kanyang binibili upang makatawad siya. Pero kung nabili na, hindi na niya ito pinipintasan, sa halip ay ipinagyayabang pa. Marami ang ginto at mamahaling bato, ngunit iilan lamang ang nakapagsasalita nang may karunungan. Kung may taong nangako na babayaran niya sa iyo ang utang ng taong hindi niya kilala, tiyakin mong makakakuha ka sa kanya ng garantiya, para makatiyak ka na babayaran ka niya. Pagkaing nakuha sa pandaraya sa una ay matamis ang lasa, ngunit sa huli ay lasang buhangin na. Humingi ka ng payo sa iyong pagpaplano o bago makipaglaban sa digmaan. Ang taong masalita nagbubunyag ng sikreto, kaya iwasan mo ang ganyang uri ng tao. Mamamatay ang sinumang sumumpa sa kanyang magulang, para siyang ilaw na namatay sa gitna ng kadiliman. Ang mana na kinuha ng maaga sa bandang huliʼy hindi magiging pagpapala. Huwag kang maghiganti. Magtiwala ka sa PANGINOON, at tutulungan ka niya. Nasusuklam ang PANGINOON sa mga nandadaya sa timbangan. Hindi ito mabuting gawain. Ang PANGINOON ang nagkaloob nitong ating buhay, kaya hindi natin alam ang ating magiging kapalaran.

Mga Kawikaan 20:4-24 Ang Biblia (TLAB)

Ang tamad ay hindi magaararo dahil sa tagginaw; kaya't siya'y magpapalimos sa pagaani, at wala anoman. Payo sa puso ng tao ay parang malalim na tubig; nguni't iibigin ng taong naguunawa. Maraming tao ay magtatanyag bawa't isa ng kaniyang sariling kagandahang-loob: nguni't sinong makakasumpong sa taong tapat? Ang ganap na tao na lumalakad sa kaniyang pagtatapat, mapapalad ang kaniyang mga anak na susunod sa kaniya. Ang hari na nauupo sa luklukan ng kahatulan pinananabog ng kaniyang mga mata ang lahat na kasamaan. Sinong makapagsasabi, nilinis ko ang aking puso, ako'y dalisay sa aking kasalanan? Mga iba't ibang panimbang, at mga iba't ibang takalan, kapuwa mga karumaldumal sa Panginoon. Ang bata man ay nagpapakilala sa kaniyang mga gawa, kung ang kaniyang gawa ay magiging malinis, at kung magiging matuwid. Ang nakikinig na tainga, at ang nakakakitang mata, kapuwa ginawa ng Panginoon. Huwag mong ibigin ang pagtulog, baka ka madukha; idilat mo ang iyong mga mata, at mabubusog ka ng tinapay. Walang halaga, walang halaga, sabi ng mamimili: nguni't pagka nakalayo siya, naghahambog nga. May ginto, at saganang mga rubi: nguni't ang mga labi ng kaalaman ay mahalagang hiyas. Kunin mo ang kaniyang suot na nananagot sa di kilala; at tanggapan mo ng sanla ang nananagot sa mga di kilala. Tinapay ng kasinungalingan ay matamis sa tao: nguni't pagkatapos ay mabubusog ang kaniyang bibig ng batong lapok. Bawa't panukala ay natatatag sa pamamagitan ng payo: at sa pamamagitan ng pantas na pamamatnubay ay makikipagdigma ka. Ang yumayaong mapaghatid-dumapit ay naghahayag ng mga lihim: kaya't huwag kang makisalamuha sa kaniya na nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi. Siyang sumusumpa sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, ang kaniyang ilawan ay papatayin sa salimuot na kadiliman. Ang mana ay matatamong madali sa pasimula; nguni't ang wakas niyao'y hindi pagpapalain. Huwag mong sabihin, ako'y gaganti ng kasamaan: maghintay ka sa Panginoon, at kaniyang ililigtas ka. Mga iba't ibang panimbang ay karumaldumal sa Panginoon; at ang sinungaling na timbangan ay hindi mabuti. Ang mga lakad ng tao ay sa Panginoon; paano ngang mauunawa ng tao ang kaniyang lakad?

Mga Kawikaan 20:4-24 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Ang taong tamad sa panahon ng taniman ay walang magagapas pagdating ng anihan. Tulad ng tubig na malalim ang isipan ng isang tao, ngunit ito'y matatarok ng isang matalino. Sinasabi ng bawat isa na siya ay tapat, ngunit kahit kanino sa kanila'y hindi ka nakakatiyak. Kung ang isang ama'y namumuhay sa katuwiran, mapalad ang mga anak na siya ang tinutularan. Sa pagluklok ng hari upang igawad ang kahatulan, walang matatagong anumang kasamaan. Sino ang makakapagsabi na ang puso niya'y malinis at di namuhay sa kasamaan kahit isang saglit? Ang mandarayang timbangan at mandarayang sukatan, kay Yahweh ay parehong kasuklam-suklam. Kahit ang bata ay makikilala sa kanyang mga gawa; makikita sa kanyang kilos kung siya ay tapat nga. Ang taingang nakakarinig at matang nakakakita, parehong si Yahweh ang siyang maylikha. Matulog ka nang matulog at ika'y maghihirap, ngunit maganda ang iyong bukas kung ika'y magsisikap. Ang sabi ng mamimili, “Ang presyo mo'y ubod taas.” Ngunit pagtalikod ay ipinamamalitang nakabarat. Ang taong nakakaalam ng kanyang sinasabi, daig pa ang may ginto at alahas na marami. Ang sinumang nananagot sa utang ng iba, dapat kunan ng ari-arian bilang garantiya. Anumang nakuha sa pandaraya ay parang masarap na pagkain, ngunit kapag tumagal ay para kang kumain ng buhangin. Ang mabuting payo ay kailangan para magtagumpay; kung hindi ka handa huwag nang pumalaot sa labanan. Ang lihim ay nahahayag dahil sa mga tsismis, kaya huwag kang makisama sa taong makati ang dila. Sinumang magmura sa kanyang magulang, parang ilaw na walang ningas ang wakas ng kanyang buhay. Ang perang hindi pinaghirapan, kung gastusin ay walang hinayang. Huwag mong gantihan ng masama ang masama; tutulungan ka ni Yahweh, sa kanya ka magtiwala. Si Yahweh ay napopoot sa panukat na di tama, siya ay namumuhi sa timbangang may daya. Si Yahweh lamang ang nagtatakda ng ating landasin; kaya huwag ipagyabang ang iyong lakbayin.

Mga Kawikaan 20:4-24 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Ang tamad ay hindi magaararo dahil sa tagginaw; Kaya't siya'y magpapalimos sa pagaani, at wala anoman. Payo sa puso ng tao ay parang malalim na tubig; Nguni't iibigin ng taong naguunawa. Maraming tao ay magtatanyag bawa't isa ng kaniyang sariling kagandahang-loob: Nguni't sinong makakasumpong sa taong tapat? Ang ganap na tao na lumalakad sa kaniyang pagtatapat, Mapapalad ang kaniyang mga anak na susunod sa kaniya. Ang hari na nauupo sa luklukan ng kahatulan Pinananabog ng kaniyang mga mata ang lahat na kasamaan. Sinong makapagsasabi, Nilinis ko ang aking puso, Ako'y dalisay sa aking kasalanan? Mga iba't ibang panimbang, at mga iba't ibang takalan, Kapuwa mga karumaldumal sa Panginoon. Ang bata man ay nagpapakilala sa kaniyang mga gawa, Kung ang kaniyang gawa ay magiging malinis, at kung magiging matuwid. Ang nakikinig na tainga, at ang nakakakitang mata, Kapuwa ginawa ng Panginoon. Huwag mong ibigin ang pagtulog, baka ka madukha; Idilat mo ang iyong mga mata, at mabubusog ka ng tinapay. Walang halaga, walang halaga, sabi ng mamimili: Nguni't pagka nakalayo siya, naghahambog nga. May ginto, at saganang mga rubi: Nguni't ang mga labi ng kaalaman ay mahalagang hiyas. Kunin mo ang kaniyang suot na nananagot sa di kilala; At tanggapan mo ng sanla ang nananagot sa mga di kilala. Tinapay ng kasinungalingan ay matamis sa tao: Nguni't pagkatapos ay mabubusog ang kaniyang bibig ng batong lapok. Bawa't panukala ay natatatag sa pamamagitan ng payo: At sa pamamagitan ng pantas na pamamatnubay ay makikipagdigma ka. Ang yumayaong mapaghatid-dumapit ay naghahayag ng mga lihim: Kaya't huwag kang makisalamuha sa kaniya na nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi. Siyang sumusumpa sa kaniyang ama o sa kaniyang ina, Ang kaniyang ilawan ay papatayin sa salimuot na kadiliman. Ang mana ay matatamong madali sa pasimula; Nguni't ang wakas niyao'y hindi pagpapalain. Huwag mong sabihin, Ako'y gaganti ng kasamaan: Maghintay ka sa Panginoon, at kaniyang ililigtas ka. Mga iba't ibang panimbang ay karumaldumal sa Panginoon; At ang sinungaling na timbangan ay hindi mabuti. Ang mga lakad ng tao ay sa Panginoon; Paano ngang mauunawa ng tao ang kaniyang lakad?