Datapuwa't nang unang araw ng sanglinggo pagkaumagang-umaga, ay nagsiparoon sila sa libingan, na may dalang mga pabango na kanilang inihanda. At nasumpungan nilang naigulong na ang bato mula sa libingan. At sila'y nagsipasok, at hindi nila nangasumpungan ang bangkay ng Panginoong Jesus. At nangyari, na samantalang sila'y nangatitilihan dahil dito, narito, tumayo sa tabi nila ang dalawang lalake na nakasisilaw ang mga damit: At nang sila'y nangatatakot at nangakatungo ang kanilang mga mukha sa lupa ay sinabi nila sa kanila, Bakit hinahanap ninyo ang buháy sa gitna ng mga patay? Wala siya rito, datapuwa't nagbangon: alalahanin ninyo ang salita niya sa inyo nang siya'y nasa Galilea pa
Basahin LUCAS 24
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: LUCAS 24:1-6
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas