Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Lucas 24:1-6

Lucas 24:1-6 ASND

Madaling-araw ng Linggo, pumunta ang mga babae sa libingan dala ang mga pabangong inihanda nila. Nang dumating sila sa libingan, nakita nilang naalis na ang batong nakatakip sa pintuan ng libingan. Kaya pumasok sila sa loob, pero hindi nila nakita ang bangkay ng Panginoong Jesus. Habang naguguluhan sila sa pangyayari, bigla silang nakakita ng dalawang lalaking nakakasilaw ang damit, at nakatayo sa tabi nila. At dahil sa takot, napayuko sila sa lupa. Tinanong sila ng mga lalaki, “Bakit ninyo hinahanap ang buhay dito sa mga patay? Wala na siya rito. Nabuhay siyang muli! Hindi ba sinabi niya sa inyo noong nasa Galilea pa siya

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Lucas 24:1-6