Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA PANAGHOY 3:20-25

MGA PANAGHOY 3:20-25 ABTAG

Ang kaluluwa ko'y naaalaala pa nila, at napangumbaba sa loob ko. Ito ang ginugunita ko sa aking pagiisip; kaya't may pagasa ako. Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos. Ang mga yao'y bago tuwing umaga, dakila ang inyong pagtatapat. Ang Panginoon ay aking bahagi, sabi ng aking kaluluwa; kaya't ako'y aasa sa kaniya. Ang Panginoon ay mabuti sa kanila na nangaghihintay sa kaniya, sa kaluluwa na humahanap sa kaniya.