Mga Panaghoy 3:20-25
Mga Panaghoy 3:20-25 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Lagi ko itong naaalaala, at ako'y labis na napipighati. Gayunma'y nanunumbalik ang aking pag-asa kapag naalala kong: Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo'y walang kapantay. Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo'y napakadakila. Si Yahweh ay akin, sa kanya ako magtitiwala. Si Yahweh ay mabuti sa mga nananalig at umaasa sa kanya
Mga Panaghoy 3:20-25 Ang Salita ng Dios (ASND)
At kung palagi ko itong iisipin, manghihina ako. Pero nanunumbalik ang pag-asa ko kapag naaalala ko na ang pag-ibig at awa ng PANGINOON ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit hindi tayo lubusang nalipol. Araw-araw ay ipinapakita niya ang kanyang habag. Dakila ang katapatan ng PANGINOON! Kaya sinabi ko sa aking sarili, “Ang PANGINOON ang lahat para sa akin, kaya sa kanya ako nagtitiwala.” Mabuti ang PANGINOON sa mga nagtitiwalaʼt umaasa sa kanya.
Mga Panaghoy 3:20-25 Ang Biblia (TLAB)
Ang kaluluwa ko'y naaalaala pa nila, at napangumbaba sa loob ko. Ito ang ginugunita ko sa aking pagiisip; kaya't may pagasa ako. Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos. Ang mga yao'y bago tuwing umaga, dakila ang inyong pagtatapat. Ang Panginoon ay aking bahagi, sabi ng aking kaluluwa; kaya't ako'y aasa sa kaniya. Ang Panginoon ay mabuti sa kanila na nangaghihintay sa kaniya, sa kaluluwa na humahanap sa kaniya.
Mga Panaghoy 3:20-25 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Lagi ko itong naaalaala, at ako'y labis na napipighati. Gayunma'y nanunumbalik ang aking pag-asa kapag naalala kong: Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo'y walang kapantay. Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo'y napakadakila. Si Yahweh ay akin, sa kanya ako magtitiwala. Si Yahweh ay mabuti sa mga nananalig at umaasa sa kanya
Mga Panaghoy 3:20-25 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)