Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JUAN 4:1-9

JUAN 4:1-9 ABTAG

Nang maalaman nga ng Panginoon na nabalitaan ng mga Fariseo na si Jesus ay gumagawa at bumabautismo ng lalong maraming alagad kay sa kay Juan (bagaman hindi bumabautismo si Jesus, kundi ang kaniyang mga alagad), Nilisan niya ang Judea, at naparoong muli sa Galilea. At kinakailangang magdaan siya sa Samaria. Sumapit nga siya sa isang bayan ng Samaria, na tinatawag na Sicar, malapit sa bahagi ng lupang ibinigay ni Jacob kay Jose na kaniyang anak: At naroon ang balon ni Jacob. Si Jesus nga, nang napapagod na sa kaniyang paglalakbay, ay naupong gayon sa tabi ng balon. Magiikaanim na nga ang oras. Dumating ang isang babaing taga Samaria upang umigib ng tubig: sa kaniya'y sinabi ni Jesus, Painumin mo ako. Sapagka't napasa bayan ang kaniyang mga alagad upang magsibili ng pagkain. Sinabi nga sa kaniya ng babaing Samaritana, Paano ngang ikaw, na isang Judio, ay humingi ng maiinom sa akin, na ako'y babaing Samaritana? (Sapagka't hindi nangakikipagusap ang mga Judio sa mga Samaritano.)

Kaugnay na Video