Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JUAN 4:1-9

JUAN 4:1-9 ABTAG01

Nang malaman ni Jesus na nabalitaan ng mga Fariseo na siya ay gumagawa at nagbabautismo ng mas maraming alagad kaysa kay Juan, (kahit hindi nagbabautismo si Jesus, kundi ang kanyang mga alagad) umalis siya sa Judea at muling bumalik sa Galilea. Subalit kailangang dumaan siya sa Samaria. Sumapit siya sa isang lunsod ng Samaria na tinatawag na Sicar, malapit sa bahagi ng lupang ibinigay ni Jacob kay Jose na kanyang anak. Naroon ang balon ni Jacob. Nang pagod na si Jesus sa kanyang paglalakbay, naupo siya sa tabi ng balon. Noon ay malapit nang magtanghaling-tapat. Dumating ang isang babaing Samaritana upang umigib ng tubig. Sinabi sa kanya ni Jesus, “Bigyan mo ako ng inumin.” Sapagkat ang kanyang mga alagad ay pumunta sa lunsod upang bumili ng pagkain. Sinabi sa kanya ng babaing Samaritana, “Paanong nangyari na ikaw na isang Judio, ay humihingi ng maiinom sa akin na isang babaing Samaritana? (Sapagkat hindi nakikisama ang mga Judio sa mga Samaritano.)