Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

EXODO 25:1-9

EXODO 25:1-9 ABTAG

At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi, Salitain mo sa mga anak ni Israel, na sila'y magdala sa akin ng isang handog: ang bawa't tao na maganyak ang puso sa kagandahang loob ay kukunan ninyo ng handog sa akin. At ito ang handog na inyong kukunin sa kanila; ginto, at pilak, at tanso; At kayong bughaw, kulay-ube, at pula, at lino at balahibo ng kambing; At mga balat ng lalaking tupa na tinina sa pula, at mga balat ng poka, at kahoy na akasia; Langis sa ilawan, mga espesia sa langis na pangpahid, at sa mabangong pangsuob; Mga batong onix, at mga batong pangkalupkop sa efod, at sa pektoral. At kanilang igawa ako ng isang santuario; upang ako'y makatahan sa gitna nila. Ayon sa lahat ng aking ipinakita sa iyo, sa anyo ng tabernakulo at sa anyo ng lahat ng kasangkapan niyaon ay gayon ninyo gagawin.