Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

EXODO 25:1-9

EXODO 25:1-9 ABTAG01

Ang PANGINOON ay nagsalita kay Moises, na sinasabi, “Sabihin mo sa mga anak ni Israel na sila'y magdala sa akin ng isang handog; tanggapin ninyo ang handog para sa akin mula sa bawat tao na ang puso ay nagkukusang-loob. At ito ang handog na inyong kukunin sa kanila: ginto, pilak, tanso, lanang asul, kulay-ube, pula, at lino at pinong hinabing balahibo ng kambing, mga balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, at mga balat ng kambing, at kahoy na akasya, langis sa ilawan, mga pampabango sa langis na pampahid, at sa mabangong insenso; mga batong onix, at mga bato sa efod, at sa pektoral. Igawa nila ako ng isang santuwaryo upang ako'y makapanirahan sa gitna nila. Ayon sa lahat ng aking ipinakita sa iyo, sa anyong huwaran ng tabernakulo at sa anyong huwaran ng lahat ng kasangkapan niyon ay gayon ninyo gagawin.