Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ANG MGA GAWA 20:31-36

ANG MGA GAWA 20:31-36 ABTAG

Kaya nga kayo'y mangagpuyat, na alalahaning sa loob ng tatlong taon ay hindi ako naglikat sa gabi at araw ng paalaala sa bawa't isa na may pagluha. At ngayo'y ipinagtatagubilin ko kayo sa Dios, at sa salita ng kaniyang biyaya, na makapagpapatibay, at makapagbibigay sa inyo ng mana sa kasamahan ng lahat na mga pinapaging banal. Hindi ko inimbot ang pilak ninoman, o ang ginto, o ang pananamit. Nalalaman din ninyo na ang mga kamay na ito ay nangaglilingkod sa mga kinakailangan ko, at sa aking mga kasamahan. Nagbigay halimbawa ako sa inyo sa lahat ng mga bagay, na sa ganitong pagpapagal ay dapat kayong magsisaklolo sa mahihina, at alalahanin ang mga salita ng Panginoong Jesus, na siya rin ang may sabi, Lalo pang mapalad ang magbigay kay sa tumanggap. At nang makapagsalita na siya ng gayon, ay nanikluhod siya at nanalanging kasama silang lahat.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa ANG MGA GAWA 20:31-36